Saturday, May 8, 2010

mahalaga ka ba?

Minsan sa buhay natin dumadaan ang isang pag kakataon kung saan iisipin natin ang buhay ay walang kwenta. Ang buhay ay isang malaking kalokohan lamang at ang buhay ay ginawa upang maranasan ng bawat may buhay ang pag hihirap. Minsan naiisip natin ang pag ibig ay isa lamang pasakit sa buhay, mga bagay-bagay na sa pagtatanto ay isang malaking bagay na nagdudulot sa atin ng dusa at pasakit. Madami pang bagay ang nag bibigay pighati sa buhay nating ito. Madaming bagay na tila baga’y ang tanging katuturan lamang sa buhay ay ang pagbibigay pighati sa ating masalimuot na buhay. Minsan sa aking pag ninilay-nilay naisip ko na ang buhay ay walang kwenta ,na ang buhay ay isang malaking kalokohan lamang. Bakit ko pa ba kailangan magaral , mamatay din naman at mababaon sa limo tang lahat. Bakit ko pa ba kailangan makipag kaibigan , e sa huli naman ay sa isang masalimuot na paalaman lamang ang kahahantungan ng lahat. Ang buhay na ito ay walang kwenta. Ako,Ikaw, Tayo ay walang kwenta.walang silbi at walang pakinabang.





Sa lugar na aking pinanggalingan kunsaan ang lahat ng tao ay nakatapak sa lupa, madalas mong maririnig sa kanilang mga bigkas ang mga salita na kungmawawari ay tila ba punyal sa talim. Madalas maririnig mo sa isang inang naninigas bagang sa galit sa kanyang anak ang mga salita na “wala kang kwenta” , “hayup ka”, ‘anak ka ng demonyo”. Madalas sa paglalakad mo sa eskinita o sa kanto maririnig mo sa mga tambay,mga tsimosa, sa mga mag barkada ang mga salita na tila bagay normal nalamang sa sistema “ ang ina mo at puta”, “gago”, “tang-ina”,mga salita na tila nakabababa sa halaga ng isang tao. Na sa bawat salitang nababangit ang tao ay walang halaga. Ako , Ikaw, tayo ay walang halaga. Kung iisipin ang mga salitang yun wala naman talagang halaga, ang mga salita na iyon wala naman talagang kahulugan ngunit dahil sa isang pag-iisip na nag bibigay ng saysay ito ay salita nang sakit,pighati at kawalan ng pag mamahal, ito ay pag mumura sa halaga ng tao.





Sa buhay ko , natutunan ko na ang lahat ng bagay ay mahalaga. Higit sa anu pa man ang lahat ng may buhay ay mahalaga. Ikaw,Ako , tayo ay may halaga. Bawat nilalang ay mahalaga sa kanilang silbi sa buhay. Ang bawat tao ay may silbi at mahalaga. Sa aking pagninilay-nilay naisip ko na ang mga hayup nga may marunong mag pahalaga na supling, sa kauri , ang tao pa kaya na may higit na talino? Ang mga tao ay walang karapatan mag mura sa halaga ng isang tao, biro man ito so kaseryosohan. Ang bawat tao ay may halaga, higit sa ginto,pilak o diamante na dapat pahalagahan. Ang mga tao ay may katuturan,Natutunan ko kung paano mag pahalaga sa buhay ko, at sa buhay ng iba. Natutunan ko na ang bawat nilalang at buhay ay hindi puro pighati,sakit at panghihinayang. Ang buhay ay maganda ang lubhang malawak, Ang buhay ay isang perpektong nilikha ang Lumikha. Ang buhay ko at bawat buhay ng tao sa mundo ay mahalaga. Kailangan mabuhay ng may pagpapahalaga at pag mamahal. Kailangan mabuhay sa etika ng pamumuhay. Kailangan mabuhay sa loob ng isang saknong ng pagmamahalan. Nababatid ko na ang saya at halaga ng buhay sa bawat araw na lumilipas. Bagaman ako ngayun ay nasa isang paglalakbay sa pagtuklas , unti-unti ko nang nababatid ang saya ng buhay na binigay ng May Kapal. Higit sa lahat natutunan ko na ang pagibig ng Lumikha ang tunay na batayan ng bawat halaga ng buhay. Ang sangkatauhan upang tuluyang magkahalaga ay dapat matuklasan ang Halaga ng pag ibig ng Lumikha.



John 3:16
For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life. (KJV)




Sa pagbabasa ko ng biblya mas napatunayan ko ang aking halaga. Isang makapangyarihan diyos ang hadang mag sakripisyo para sa ating kapakanan. Higit na ito ay isang patunay na tayo, bilang tao ay mayhalaga at ang buhay natin ay mahalaga.

No comments: